Ang kontinenteng Asya (Asia) (absolute location: 34.0479° N, 100.6197° E) ay ang pinakamalaki at ang pinakamataong kontinente sa mundo.
Ito ay makikita sa gawing silangan at hilagang bahagi ng mundo at pinaliligiran
din ito ng mga ibang kontinente katulad ng Europe
at Africa. Tinatayang umaabot sa
mahigit na 44,579,000 kilometro kwadrado ang sukat ng Asya. Gayundin naman, ang
sukat nito ay tinatayang mahigit 30 bahagdan ng kabuoan ng sukat ng mundo.
Kung ito ay
titingnan sa mapa ng mundo, ang Asya ay pinaliligiran ng Dagat Pasipiko
(Pacific Ocean) sa gawing silangan, sag awing timog naman ang Karagatan ng
India (Indian Ocean) at sa hilaga naman ang Karagatang Antartika (Arctic
Ocean). Ang
kontinenteng Asya ay binubuo ng 48 na bansa na hinati sa 5 rehiyon.