Ang Imhr.ca ay narito upang tulungan kang makahanap ng mga sagot sa lahat ng iyong mga katanungan mula sa mga eksperto. Kumuha ng mabilis at mapagkakatiwalaang mga solusyon sa iyong mga tanong mula sa isang komunidad ng mga bihasang eksperto sa aming platform. Kumonekta sa isang komunidad ng mga propesyonal na handang tumulong sa iyo na makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga tanong nang mabilis at mahusay.

ano ang metakognitibong pagbasa?

Sagot :

Ang metakognitibo o metacognitive, ay galing sa salitang ugat na ‘cognition’. Ang ibig sabihin ng cognition ay, ang kakayahan ng ating utak o kaisipan na kumuha ng kaalaman at maunawaan ang impormasyon sa pamamagitan ng masusing pag-iisip, pagsisiyasat sa pamamagitan ng mga tanong, paglalagay ng sarili sa binabasa, paguugnay ng mga karanasan, at iba pa.

Ang metakognitibong pagbabasa, ay masasabing isang paraan ng mahusay at mabisang paraan ng pagbabasa ng isa na kung saan nauunawaan niya ang nais iparating na impormasyon ng material na binabasa. Makakatukong ito para makabuo  ng mga kaisipan, gumawa ng mga sumaryo, at lubos na maintindihan ang binabasang material. Naging karaniwan na ito at itinuturo sa mga estudyante sa paaralan. Malaking tulong ito para humusay ang kakayahan nilang umunawa at bumuo ng mga ideya.

Kung ang isang nagbabasa ay nakita ang pangangailangan na tandaan ang isang bagay, tumutulong din ang sumusunod na paraan sa metakognitibong pagbasa:

  • Paggawa ng mga tanong
  • Pagsasalungguhit
  • Paggawa ng Balangakas
  • Pagtatala o ‘Note taking’

Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/159726

https://brainly.ph/question/291187